Reblog: Mga Eksena sa Facebook

This was originally posted in Momsie’s Corner in November 11, 2011.

Kung hindi ako nagkakamali ung Facebook (FB) account ko ginawa ko mga bandang 2006 pa yata, hindi pa siya ganun kasikat dahil kasalukuyan pang adik na adik ang mga tao lalo na ang mga Noypi sa “Friendster.” Nakakahiya mang aminin pero sa totoo lang kaya lang ako nakapag sign up sa FB noon eh dahil may pinapanood ako noong showbiz oriented talk show na nabanggit na may post ung artista na something. Dala naman ng curiousity ko (sige na nga tsismosa) pinahanap ko kay Google kung ano ang Facebook… ayun na FB user na ako since then!  Malungkot pa sa Facebook noon, wala pang masyadong pumapansin sa kanya, wala nga yatang bente ang friends ko noon.

In fairness naman, sobra ko na-appreciate ang Facebook noong dumating ako sa Canada, ang laking tulong ang Facebook para maibsan ung pagka homesick ko noong mga unang buwan namin dito sa Canada.  Lalo pa akong natuwa sa kanya noong ipakilala niya sa akin kung ano pa ang kaya niyang gawin para maaliw ako, hindi ko lang pala makikita pictures ng friends ko at makapagchat sa kanila, akalain mo pwede rin ako makipaglaro sa kanila?! Natatandaan ko pa ung unang game na nilaro ko na talaga namang kinahumalingan ko, “Farmtown.” Sobra talaga akong naaliw, kaya nakalimutan ko na si Friendster, maging si Hi5. 

Ngayon, sobra na siyang sikat, as in. Kumbaga masang-masa na ang Facebook…. o tawagin nating siyang “peysbuk.”

Lately, hindi na ako masyadong nakakapag peysbuk, sobrang occupied na kase ung oras ko (wow!) most of the time, kung magpeysbuk man ako via mobile na (sosyal di ba!)  at kung makapag-access man ako gamit ang computer during the night na lang… para pa iyon makapaglaro ng kinakahumalingan kong game ngayon, ang Cityville. 

Noon talaga, hindi ko namamalayan na halos buong maghapon ko ay nauubos ko kakapeysbuk, ngayon hindi lang dahil wala akong oras kaya nabawasan na ang oras ko sa peysbuk… noon kase, noong hindi pa sobrang severe ang peysbuk users sa dami, kapag nag-online ka, may “happy feeling” kapag nakita mo may bagong updates sa status ng friends mo o may bago siyang post na pictures. Mas clear ang intentions noon ng mga FB users – to connect with friends even from afar.  Ngayon naman, ganoon pa rin ung “intention” na sinasabi ko, kaya lang hindi ko alam bakit minsan nakakatamad na rin, napasobra na rin kase ung ibang FB users sa pag-utilize ng social networking site na ito, isa pa sa dami na ng updates na nagawa ng FB administartors ang dami mo na ring pwedeng gawin na minsan maiisip mo mas okey pa yata kung mas simple.

Credit to the owner of the photo

Ito na nga siguro ang pwede nating sabihin na Facebook Generation. Pwede ring sabihin na ang na para siyang epidemiya na kumakalat, hindi ka “in” pag wala kang FB account. Aminin natin, kapag may nakausap tayong kaibigan o kakilala at nalaman mong wala siyang FB, una mong tanong sa kanya, “Kailan ka ba pinanganak?” At iisipin mo talaga na jologs siya.  Para lang itong iyong pagdating ng celfon sa ating mga Pinoy eh.  Hindi nga ba’t itinuring na  texting capital ang Pinas dahil ultimo yata magbobote ay pwede mo nang itext kapag gusto mong ipapik-up ang mga bote at dyaryong gusto mong ibenta sa kanya. Ngayon naman kahit si Lolo at Lola may FB account na rin.

Sa ngayon sabi ni Wikipedia may 8 milyon na raw na Facebook active users, of course, di naman niya nabanggit kung ilan don ang Pinoy. Pero kung hindi man Filipinos ang pinakamaraming FB users sigurado isa tayo sa pinakamarami. Tayo pa!? Alam mo naman mga Pinoy, minsan kahit hindi naiintindihan mga pangyayari basta lang masabing “in” join tayo.

Ayon pa sa definition ni Wikipedia, Facebook is a social networking service and web launched in February 2004 where users may create a personal profile, add other users as friend and exchange messages, including automatic notification when they update their profile.  Ako naman, para sa akin lang naman, ang Facebook ang social networking site na kinahuhumalingan di lamang ng mga kabataan kundi maging ng matanda at kahit na mga batang-isip.  Si Facebook din ang binalingan ng pagtingin ng napakaraming Friendster fanatic na sya na rin sigurong dahilan ng pagtaob ni Friendster.  Kaya ngayon nga medyo “wise” na yong ibang social networking sites, imbes na makipagkumpetensya sila kinakaibigan na lang nila si Facebook. Pansinin mo, halos lahat na nga yata ng iba pang networking sites ay mayroong option na i-link sa Facebook account mo. Kung ano naman ang dami ng pagdagsa ng FB users siya rin namang pagdating ng mga eksena sa peysbuk na kaaaliwan mo, katutuwaan mo, kaiinisan mo at talaga namang kabubwisitan mo.

Hindi ko alam kung kailan, pero sa pagkatanda ko naipost ko na minsan sa status ko ito  – 

“Welcome to facebook the place where people add you as a friend & walk past you in the street. Where relationships are perfect, affairs are started; liars believe they are telling the truth. Your enemies visit your profile the most, yet your friends or family block you, even though you write what you are really thinking, someone always takes it the wrong way, and people think your status is about them..”  

Naki-copy and paste lang ako ng status na ito, bakit hindi? Totoo naman di ba?

Bato-bato sa langit ang tamaan ay ‘wag magalit, wala akong specific na taong gustong patamaan sa mga susunod kung sasabihin dahil ako rin mismo ay guilty sa kung anu-anong ka-baliwan sa FB.  Sabi nga walang basagan ng trip di ba? OO naman wala naman akong tutol don. Ang sa akin lang naman ang trip ko lang naman ngayon ay ilabas yon observation ko, so gawin mo trip mo, eto naman trip ko.

Napansin n’yo ba may mga FB users na trigger happy? Sa sobrang kaadikan sa kaka-FB, kahit sa kaka-like ng mga post o status ng mga friends nya sa FB eh naadik na rin! Nakakatawa na nakakainis minsan, kase naman brod, parang di ka muna nag-iisip bago mo i-click ung “Like.” Hello! Ang sabi ng prend mo sa status nya “sad daw siya, kase pagkatapos daw niyang matapilok, nabali ung takong ng shoes nya tapos pagkababa daw nya ng FX na-snatch ung cp niya,” tapos ila-like mo?! Nang-aasar ka ba? At speaking of “like,” meron pang isang eksena na di ko alam kung matatawa ako, bakit kaya may mga nagpe-peysbuk na magpopost tapos siya din mag-like ng sarili nyang post, wala kang friends? Try mo kaya i-pm ung mga friends mo saka mo pakiusapan i-like ung post mo kesa naman mukha kang desperado na post mo na nga ikaw pa rin mag-like. Loner lang ang peg mo?

At hindi pa nagkasya sa kapipindot ng “like” yon ha! Meron ding sobrang trigger happy sa kapipindot ng “share.” Susme naman! Baka akala ng mga prends mo sa peysbuk kung saan nag-aapir din ang mga nai-share mo nagkamali sila ng websayt na napuntahan, dahil sa dami ng videos na post mo isipin nila sa YouTube sila napunta. Try mo i-post  music video ng “May Bukas Pa?” Ayos lang share ka videos, pero naman, yon i-post mo ung lahat ng cuts sa album ng idol mong si Black Jack, hindi na ba pwede bukas ung iba? 

Eto pa, kapag may LQ kayo ni babe, iwasan mo muna mag-FB, paano ba naman di ka lang nasabihan ng “I luv you” kagabi bago kayo matulog, palit ka kaagad ng status, tapos pag nagkabati kayo, paano na? Palit-palit ng status? Mukhang tanga lang? Isa pang dahilan bakit di ka dapat nagFB pag magkagalit kayo ni jowa eh yong pati sa shout-out mo inaaway mo si babe, hindi porke’t walang restriction kung gaano karami pwede mong gawing shout out in a day eh arya ka lang. Spell privacy! Piliin mo naman i-share mo o kaya naman kung magtapang-tapangan ka  na magshout out ng away n’yo ni jowa ‘wag kang mapikon kung pagpasok mo kinabukasan sa trabaho or sa iskul ikaw ang topic ng umpukan.

Still on posting, mapa shout out mo man o caption lang sa mga pix o kahit na pala magcomment lang. Brod, okey lang kung mag-Tagalog ka na lang?  Ano naman masama na gumamit ng sariling wika, okey na yon kaysa ipahamak mo pa sarili mo.  Kase iyong wrong spelling, napapalusutan un na pwede mong sabihin typo error, pero ung wrong grammar, ikaw na talaga yon! Tandaan mo iba ‘yong there sa their. Isa pang nakakasakit ng ulo ‘yong iba nating prends sa peysbuk na talaga naman di maintindihan kung ano dapat patunayan, okey na nga tayo sa acronym bakit kailangan pang i-spell out, tapos hindi ka naman rin pala sigurado. LOL na lang ‘wag mo na sabihin na “loud out load!” 

Teka bago naman natin pag-usapan ang kung ano pang eksena sa mundo ng peysbuk, mapunta naman tayo hindi lang sa nagpopost, ikaw din na tagabasa ng post ng may post, pwede ba huwag kang masyadong “emotional” at “affected?”  Hindi dahil nakakarelate ka sa post ng mga ka-peysbuk mo, ibig sabihin ikaw na ang tinutukoy niya sa peysbuk niya! Gamitan mo rin ng isip, hindi puro emosyon, okey.  Hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan, not unless pinangalanan ka then maniwala ka nang ikaw nga ang tinutukoy niya.  Pero hangga’t walang pangalan mo sa blind item niya este sa shout out niya ‘wag mong isipin na ikaw na kaagad iyon. At ikaw naman na magpost ng shout out siguraduhin mo rin na tama ang blind item mo lalo na pag may bahid ng  paninirang-puri, kung sa’yo kaya gawin iyong ginawa mo, ano maramdaman mo, lalo na kung hindi naman pala sigurado ang chismax mo!

Mapunta naman tayo sa mga pictures, hindi ba ang saya to see your old pictures. Ako nga naaliw sa mga pictures na pinopost ng mga dati kong kaklase at katrabaho! Sabi nga “walking down the memory lane.” Pero naman pag magtatag ka ng prends mo sa post mong picture siguraduhin mo namang may koneksyon siya sa pictures na pinagtag mo sa kanya.  Na-experience mo na ba na minsan makita mo sa notification na you have been tagged in someone else’s pix hindi mo naman alam kung bakit? Yamot di ba?  

Minsan din, dapat i-screen naman natin iyong ipo-post nating picture, bakit kailangan ipost mo pa yong mga pictures ng karuma-dumal na krimen o kaya naman iyong lalaking nasagasaan ng 8-wheeler truck na sabog ang utak? May mga tao kaseng ung oras nila sa pagpeysbuk parang time na rin nila para magrelax, tapos pagbukas nila account nila ung nakakadiri o nakakalungkot na pictures mo makikita nila.

Kung magpopost ka naman ng picture ng mga bago mong gamit o gadgets, kahit ng bago mong sasakyan o kung ano pang bago sa’yo, okey na ‘yon. Wala namang masama na maging proud ka sa mga bagay na meron ka lalo na kung pinaghirapan mo kaya lang ‘wag masyadong proud. Iyong iba kase lalagyan ng description/caption iyong picture ng mga bago nyang kagamitan na “the result of my boredom.” Wow, big time di ba? Pero iyong iba naman kapag walang nag-like o nagcomment, sila na lang mismo ang magcomment.

Ang dami pang kung anu-anong eksena sa peysbuk, kaya lang kung lahat sila isusulat ko dito baka isipin ng iba peysbuk hater ako… I so love Facebook! Naging morning habit ko na nga na magcheck ng peysbuk bago ko gawin ang daily chores ko… Naisip ko lang na bigyang pansin iyong mga iba’t ibang eksenang napapansin ko, para magsilbing reminder na rin sa akin, kase baka hindi ko napapansin isa na rin ako sa umeeksena ng gaya ng napansin ko. 

About Cristina 36 Articles

Cristina, author of momsiecle.com moved to Winnipeg, Manitoba in 2009. She is a B.S. Psychology graduate from the Philippines and is currently working in Canada’s largest retail company. She is also a Settlement E-Volunteer with English Online Inc., wherein she provides supportive counseling to newcomers in Canada. Cristina blogs about her adventures and misadventures as an immigrant working-mom in Canada…

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*